16.11.18
By Glenn Hardy
Dear Colleagues,
I am delighted to add this blog to our HLD website, provided by the colleagues of the British School Manila – written in English and translated into Tagalog. They adapted my Autobiographical Approach to the needs of their school. My development of this initiative was originally guided by the following questions:
At BSM the guiding question was:
Do we as an international school fully embrace the 40+ nationalities we have at the British School Manila?
This blog outlines an excellent example of the ways in which we hope that our HLD suggestions can be adapted and used in different contexts. My model for this initiative is outlined in the chapter available on the link below and I would be delighted to work with other international and mainstream schools on modelling, adapting and implementing this initiative. Anybody interested, feel free to get in touch on: dina@healthylinguisticdiet.com
For my chapter: In search of high level learner engagement: Autobiographical approaches with children and adults please click here (see pages 63-72.)
Well done to all children and adults who participated!
Dina Mehmedbegovic
Translated by: Nathalie Dela Rosa, Julienne Tejada and Colleen Cordero
“You can’t get to the content if the relationship and the social-emotional well-being piece is not being attended to first.” Hindi tayo makakarating sa kaalaman kung ang ugnayan at kabutihan ng ating sosyo-emotional ay hindi unang bibigyan ng pansin.
Saliksik mula sa UCLA 1997 – Ang Impluwensya ng mga Samahan at Ugnayan sa loob ng Silid-aralan
“It is hard to argue we are teaching the whole child when students leave their culture at the door. “ Cummins 2001
Dito ay winika ni Cummins na mahirap patunayan na tinuturo ng mga guro ang buong pagkatao ng mga mag-aaral kung hindi binibigyang pansin ang kanilang kultura sa pag pasok sa kanilang paaralan.
Nagsimula ang taon sa pamamagitan ng pagtakda ng diwa ng komunidad na aming binuo sa British School Manila. Isang maligayang pagtanggap at pagsalubong sa buong pamilya ng British School Manila, at maligayang pagdating sa aming mga bagong mag-aaral. Ang mga guro ay kumanta ng We are Family ng Sister Sledge at kanilang pinalitan ang linyang “I’ve got all my sisters with me” (Kasama ko ang lahat ng aking mga kapatid) ng “I’ve got all my students with me.” Kasama ko ang lahat ng aking mga estudyante). Ang komunidad at ang mga samahan sa loob ng paaralan ay ang nagsilbing lakas na ninais naming mapabilang sa lakbay ng aming pagdunong. Ayon sa aming bisyon at misyon, higit na binibigyang halaga ng paaralan ang pagbuo ng isang komunidad na may diwa ng isang pamilya. Gayon pa man, bago magsimula ang taon ay nangibabaw ang isang katanungan:
Bilang isang internasyonal na paaralan, lubos ba nating tinatanggap at binibigyang halaga ang higit sa apatnapung nasyonalidad na mayroon ang British School Manila?
Marahil ang sagot ng aming mga estudyante:
‘Hindi tulad ng ninanais namin.’
Dahil kabutihan ng mag-aaral at paglulunsad ng “Student Well-Being Framework” ang pangunahing prayoridad, kami ay nagtrabaho upang ito ay matugunan. Ipinakilala sa amin ni Dr Dina Mehmedbegovic ang Autobiographical Approach sa Council of International Schools Symposium on Intercultural Learning. Ang pagkakataong ito ay nagbigay sa amin ng plataporma upang higit pang mabuo ang komunidad sa aming paaralan.
Sinimulan namin ito sa pagbibigay ng gawain sa mga mag-aaral edad 3 hanggang 14 taong gulang na maghanda at ipahayag ang kani-kanilang talambuhay sa mga tagapanood kabilang na ang kanilang mga kamag-aral. Ang hakbang na ito ay nagsilbing daan upang makita ang simula sa aming paglalakbay tungo sa kaalaman at kaunawaan ng saganang kulturang laganap sa bawat mag-aaral. Ito ay kakamtin nang may respeto, pagsaalang-alang at pagpapahalaga sa pagkakaiba at sari-saring uri na mayroon ang aming paaralan, gayundin ang pagtutuklas ng ugnayan sa bawat isa. Ang paglalaan ng panahon sa pagtuklas ng pagkakakilanlan sa ganitong paraan ay magbibigay ng linaw at diin sa pagkatao ng isang mag-aaral. Higit sa rito, ito ay makatutulong sa paglinang ng kanilang dignidad at malugod na pagtanaw sa kanilang mga sarili.
Isa sa mga katugunang natanggap ng mga guro sa nakaraang taon ay ang hangad ng bawat mag-aaral na mas makilala pa ang kanilang mga guro. Dahil dito, sinimulan ng mga guro ang buong proseso ng paglalahad ng talambuhay nang sa gayon ay makapagbigay sila ng halimbawa sa mga mag-aaral. Ang buong karanasan na ito ay nakapagtatag ng pundasyon sa pagkamit ng isang mapagtangkilik at may pagpapalagayang-loob na komunidad na lubos na makatutulong sa pagbuo ng makabuluhang kaalaman ng bawat mag-aaral. Gaya ng iwinika ni John Hattie, ang isang positibo, mapagpahalaga, at mapagsaalang-alang na komunidad ay salik tungo sa makabuluhang karanasan sa loob ng paaralan.
Kasabay ng paglunsad ng Autobiographical Approach, amin ding ipinakilala ang Well-Being Framework sa mag-araal. Ito ay isinagawa makalipas ang ilang linggo matapos ang aming pagdiriwang ng Well-Being Week. Sa paglalaan ng higit pa sa sapat na oras ng paghahanda para sa proyektong ito, ang pinakamahalagang karanasan ng bawat isa ay ang pagkakataong maibahagi ang sariling kwento at talambuhay sa mga tagapanuod. Sa mga makabuluhang araw ng kanilang pagsasalaysay, higit na nangibabaw ang pagmamalaki sa sarili, gayundin ang lubos na pagtanggap na ipinakita ng mga mag-aaral sa isa’t isa. Ang nasabing proseso ng pamamahagi ng kani-kanilang talambuhay ay nagbigay ng pagkakataon sa mga mag-aaral upang kanilang masilayan ang positibong pagtanaw at pagpapahalaga sa sarili na nakatutulong sa pagtatag ng isang makabuluhang komunidad.
Ang bawat isa ay nagsikap sa paghahanda ng kanilang talambuhay at ipinahayag nila ito sa kanilang kamag-aral. Maliban dito, sa mag-aaral mula sa pinakamataas na baitang, kabilang ang mga magulang sa bilang tagapakinig sa kanilang presentasyon. Maliban sa paglalahad at pakikinig sa talambuhay, naglaan din ng oras ang mga guro upang makapagtanong ang mga manunuod at makapagbigay ng karagdagang impormasyon ang tagapagsalita. Ito ay nagbigay daan sa pagkakaroon pa ng mas malalim na interkultural na kaalaman. Malinaw na mula sa aktibong talakayan ng bawat isa ay natunghayan ang pagpapakita ng kuryusidad at interes ng mga mag-aaral, gayundin ang pakikisama at pag-unawa sa bawat isa.
Mula sa pananaw ng well-being ng isang tao, ang layunin ng pagyabong ng positibong imahe ng sarili ay nakamit. Ang pagkakaroon ng kamalayan sa sariling pagkakakilanlan ay nagsisilbing sentro ng paglakbay na ito bilang isang pandaigdigang mamamayan. Ito ang pundasyon na pinagpatibay ng mapagtangkilik na kultura at may malalalim na samahan sa isa’t isa. Ipinakikita na dahil sa autobiographical approach, nakamit namin ang aming layuning ito para sa mga mag-aaral.
Ito ay isang proyekto kung saan ang mga kalahok ay mula sa magkakaibang henerasyon, ang mga magulang at mga lolo at lola ay nakiisa sa paglikom ng mga kahanga-hangang kwento tungkol sa pamilya.
Ang oras na gingugol sa pagsasaliksik na ito tungkol sa kanilang mga sarili at kanilang mga pamilya, at pagpapabahagi nito sa pampublikong pagtitipon ay hindi lamang nakapagbigay ng saya sa mga nakikinig, datapwat maging sa mga tagapagsalita rin. Malinaw na ang pagbabahagi ng mga personal na kwento ay nagpapakita ng katibayan ng kahalagahan sa sarili. Ayon rin kay Hope Denton: “Nakatulong ito na palakasin ang aking kumpiyansa sa sarili.”
Ang pagbabahagi ng kani-kanilang talambuhay ay nagdulot ng higit na pag-unawa at pagtangkilik sa iba at binibigyang diin ang pagdiriwang ng pagkakaiba-iba. Sa pagninilay dito, napagtanto ni Chelsea Chang:
“Ang bawat pamilya ay may kanya kanyang pinanggalingan at ang bawat pamilya ay natatangi ngunit mayroon din silang mga pagkakatulad…. Mahalaga na nagbibigay tayo ng respeto sa isa’t isa.”
Sinabi ni Agenya mula sa ika-limang baitang:
“Natutunan ko na lahat tayo ay may kanya kanyang kinalakihan. Kung kaya’t tayo ay maihahambing sa isang pumpon.”
Sinuportahan niya ang kanyang pahayag tungkol sa personal na ugnayan na ang prosesong ito ay tinulungan siyang magkaroon ng kamalayan ukol sa mga sumusunod:
“Dahil sa aking pagsasaliksi, aking naintindihan na kung sino ang ating mga kapiling sa buhay ay ang pinakamahalaga at hindi ang mga materyal na bagay na meron tayo.”
Ito naman ang mga opiniyon na ibinahagi nina Fiona Chong at Lara Neth mula sa ika-limang baitang:
“Dahil sa proyektong ito, mas lalo ko pang naintindihan na ang aking pamilya at mga kaibigan ay ang pinaka-importante sa buong mundo. – Fiona
“Nakatulong ang aking pagsasaliksik sa lubos kong pagkilala sa aking sarili at sa aking pamilya.” – Lara
Bukod dito, sinabi din ni Zander, mula sa ika-anim na baitang, na ang prosesong ito ay nakatulong na ipamulat sa kanya ang pagkakapareho at pagkakaiba, at pagnilay sa kanyang pagiging expat sa isang internasyonal na paaralan:
“Naisip ko na kahanga-hangang nabigyan ako ng pagkakataon na makinig sa mga pagtatanghal ng aking mga kaibigan dahil nakita ko kung saan kami nauugnay at kung saan hindi. Isa sa mga pinakaimportanteng bagay na aking naiugnay sa pagtatanghal ng lahat ay ang pag-iwan sa aking pamilya para mamalagi sa Pilipinas.”
Pagsamasamahin ang lahat ng ito sa isang komunidad na may magkakaibang kultura at lahi sa British School Manila at makikita ang makahulugang kontribusyon nito sa pagkakaroon ng isang institusyon na sumusuporta sa bawat isa bilang ang tanging layunin ay ang kapakanan ng lahat, na pinakamahalaga ayon kay John Hattie:
“Isang positibo, mapagpahalaga, at mapagsaalang-alang na komunidad ay salik tungo sa makabuluhang karanasan sa loob ng paaralan.”
Tunay na ito ay isang makahulugang proyekto na may malaking pakinabang at epekto sa buong paaralan.
23.02.24
Gambar di atas: Bersama para wisudawan di Universitas Udayana Translated by: Ince Dian Aprilyani Azir Tanggal More
23.02.24
Gambar ring baduur: Sareng lulusan Universitas Udayana Translated by: Ni Putu Sri Suci Artini Asih and More
21.02.24
Image above: With the graduates at University of Udayana On February 21st we mark the UN More
18.12.23
Image above left: Thomas giving a keynote at the first International Conference on Language Development and Assessment More